Entry #1: The Eyes that Smile

Isa ito sa reason kung bakit ako nagpush gumawa ng blog, gusto ko ng new version ng stress reliever ayoko naman na lagi na lang isinishare sa ibang tao ang mga pinagdadaanan ko, naiisip ko kasi may mga problema din naman sila. pwede din na new version ‘to ng diary katulad ng iba.

 

Ang hirap ipakita sa iba na matatag ka pero deep inside gusto mo ng umiyak. Maski ako napansin ko sa sarili ko na dati pag ngumingiti ako pati mata ko nakangiti samantalang ngayon tuwing titignan ko ang sariling repleksyon ko sa salamin parang gusto kong magsisi na ginawa ko pa yun. Pinilit kong paglaruan yung mukha ko kanina sa pamamagitan ng pagtry ng iba’t-ibang tawa pero wala epic fail nasagwaan ako. Ibang-iba din ang aura ko ngayon yung tipong nakahinto ang utak ko sa pag-iisip ng mga solusyon sa problema ko. Nakakapagod na din pero kailangan ko pa ding umusad para sa mga taong mahahalaga sakin dahil kung hindi ako kikilos paano na sila? Lahat yata ng klase ng sakit na emosyonal nararanasan ko na, hindi na ko magugulat kung isang araw magbereakdown na ko. Kasi pati yung luha ko umaayaw na magpakita maski sya siguro napapagod na. Sana balang araw makita ko din yung ngiti sa mata na hinahanap ko yung kislap na hindi na mawawala. Sa ngayon, magpapadala muna ako sa agos ng buhay, pagsubok daw kasi ang tawag dito.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s