October 01, 2013

No one knows how you came in simple thoughts that I cannot frame.

I Love the way you’re saying “Hi” and the way you make me smile.

I’ve searched for so long for someone like you,

That makes me smile without a clue,

And everyday I’ll surely miss,

Your presence and your silly face.

You’re just everything I want to,

To have you is a dream come true,

Cause you’re my light in the dark.

And you’re my clown, my every sight.

And how can you make me smile everyday?

When you do nothing in your way.

I can’t find a word to say, If we will both lose this day.

But thanks again for having you.

For changing my life.

And make things possible.

All my dreams, I will spend with you.

That is why, I love you!

Facts.

1. Di ako kumakaen ng dinuguan pero batchoy kumakaen ako.

2. Ayoko ng chocolate with nuts pero pag magkahiwalay sila kinakaen ko, mas lalong ayoko ng peanut butter pero kung mani lang kumakaen ako.

3. Ayoko ng Icing sa cake, bagoong at higit sa lahat di ako kumakaen ng sibuyas at bawang.

4. Mahilig ako sa kape pero tamad ako magtimpla kaya bihira akong uminom nun.

5. Hindi ako kumakaen ng kahit anong gulay, maliban na lang kung chopseuy pero pag hiwa-hiwalay na gulay hindi ko kinakaen.

Olympus Cyber 2013

Nakakamiss ang mga ito, yung mga moments na hindi pa namin kayang iwan ang isa’t-isa. Sila na naging takbuhan ko nung mga panahong wala akong kaibigan, sila na itinuring ko na mga tunay na pamilya. Sa kanila din ako natutong mag-enjoy sa buhay. Ang bilis lumipas ng panahon, hindi ko inakala na hanggang dun lang pala yun. Hindi rin pala magtatagal, may bibitaw at magsasawa din pala. Sobrang dami ng nagbago may mga napalitan na nga din eh. Alam ko sinusubukan ng lahat na mabuo ulit kami pero siguro tama na yun, mahirap ipilit ang sarili sa iba. Sa mga bago naman kasi medyo mahirap silang pakisamahan, hindi mo kasi sila kapantay ng wave length ng utak, kumbaga bagong henerasyon nga. Basta ako suko na.

Pinagtagpo pero hindi tinadhana

Ang hirap mainlove sa maling tao. 196 countries, may pitong kontinente at pitong bilyong tao na naninirahan sa mundo tapos pinagtagpo pa kayo. Tapos biglang babawiin nalang siya ng tadhana sayo kasi nga hindi daw kayo yung nakatakda para sa isa’t isa. Hindi ba masakit? Hindi ba unfair? Minahal mo siya, minahal ka din niya. Naging masaya naman kayo diba? Bawat araw na kayo pa pinaramdam niyo sa isa’t isa kung gaano kasayang mabuhay, binigyan niyo ng pag-asa at importansya ang isa’t-isa. At dahil dun mas naging matapang kayo para harapin ang buhay ng nakangiti. Kahit madaming problemang nakaharang sa inyo, hindi pa din kayo sumuko kasi alam niyong nandyan lang ang isa’t-isa handang umalalay at hindi ninyo hahayaang maligaw ng landas. Tapos sa isang iglap biglang magbabago yung ihip ng hangin kasi dumating na yung araw na kailangan niyo ng maghiwalay. Ang hirap tanggapin kasi kahit naman anong gawin mo wala ka ng magagawa. Ang hirap baguhin ng mga bagay na  matagal ng nakaplano. 

credits: D.G escafe

18686_1452383978409536_4007115659142249743_n