Pinagtagpo pero hindi tinadhana

Ang hirap mainlove sa maling tao. 196 countries, may pitong kontinente at pitong bilyong tao na naninirahan sa mundo tapos pinagtagpo pa kayo. Tapos biglang babawiin nalang siya ng tadhana sayo kasi nga hindi daw kayo yung nakatakda para sa isa’t isa. Hindi ba masakit? Hindi ba unfair? Minahal mo siya, minahal ka din niya. Naging masaya naman kayo diba? Bawat araw na kayo pa pinaramdam niyo sa isa’t isa kung gaano kasayang mabuhay, binigyan niyo ng pag-asa at importansya ang isa’t-isa. At dahil dun mas naging matapang kayo para harapin ang buhay ng nakangiti. Kahit madaming problemang nakaharang sa inyo, hindi pa din kayo sumuko kasi alam niyong nandyan lang ang isa’t-isa handang umalalay at hindi ninyo hahayaang maligaw ng landas. Tapos sa isang iglap biglang magbabago yung ihip ng hangin kasi dumating na yung araw na kailangan niyo ng maghiwalay. Ang hirap tanggapin kasi kahit naman anong gawin mo wala ka ng magagawa. Ang hirap baguhin ng mga bagay na  matagal ng nakaplano. 

credits: D.G escafe

18686_1452383978409536_4007115659142249743_n

Minsan

Minsan kailangan mo ring i-recognize na malungkot ka.

Minsan kailangan mo ring i-admit sa sarili mo na mag-isa ka.

Minsan kailangan mo na ring harapin ang katotohanang hindi pang habang buhay mong masasabi na kaya mo pang maghintay. Maghintay sa pagdating nya. Siya na nagparamdam sa iyo na ika’y mahalaga. Siya na laging nandyan, siya na nagsasabing “mahal kita.”