Hanggang sa Huli.

Hindi ko matandaan kung ilang beses ko na bang hiniling na maubos na ang sakit. Martir. Tanga. Tanga. Martir. Yan ang paulit-ulit nilang sambit sa tuwing ikaw ay nababanggit. Hindi ko matandaan kung ilang ulit na bang lumuha ang mga matang pilit lang ang pagkislap sa tuwing gusto kong ipakita na kaya ko pa. Na napapagod din ang utak sa kakaisip ng dahilan kung bakit nakakapit pa. “Mahal ko sya” na lagi nilang naririnig ngunit hindi mo naman kayang ibalik. Sabagay, sino nga naman ba ang nagsabing kailangang sumagot kung hindi naman ito tanong. “Mahal kita?” Pero wala pa ring tugon. Hindi ko matandaan kung ilang gabi na ang nasayang sa kapupuyat para lamang hindi matapos ang araw na may alitan kahit wala ang iyong prisensya. Nakapagtataka na ako lang pala ang may oras para suyuin ka. Ipinagtutulakan ang sarili pabalik kahit alam ko naman na ayaw mo na akong saluhin. Pilit hinihiling na makamit na ang hangganan ng tinatawag nating ‘sakit’. Paalis at pabalik. Mag-papaalam at magsisisi. Tinuldukan na ang lahat at tuluyan mo na akong iniwan. Nararamdaman ko na. Ramdam ang gaan sa puso nang aking tinanggap na ikaw ay lumisan na. Ramdam ang pagmamahal sa sarili na sana noon ko pa ginawa. Ngumiti. Lumaya. Pag-asa. Nagbago. Hindi ako matatakot sumubok ulit. Magmamahal ulit… ngunit sa sarili ko muna.

“Secrets/Regrets”

Loneliness must be the price they had to pay. 😦

These I Wrote For You

It’s such a shame the sun didn’t set today.
The night must be lonely,
Having nothing to keep him company.
The sea is drenched in brightness.
She’s now stripped off of her mask,
When all she was yearning for was the touch of dusk,
To mend her sadness –
Where no one would see her,
And the night would kiss her,
And the horizon is nowhere to be found,
For the night and the sea have made it their secret,
Laden with suspended regrets.
Loneliness must be the price they had to pay,
It’s such a shame the sun didn’t set today.

View original post